You are viewing [info]reypinmoko's journal

Rebolusyon ang solusyon, yo! [entries|friends|calendar]
you will know who i am when you forget my name

[ userinfo | livejournal userinfo ]
[ calendar | livejournal calendar ]

[02 Jan 2010|03:40am]
Reypinmoko does not live here anymore. Lumipat na sa:

http://reypinmoko.tumblr.com

Bagong blog lang pero wala pa ring kalatoy-latoy ang entries!
may 13 Pilipinong nais maghimagsik!

[14 Oct 2009|10:44am]
I'm thinking of either shutting down or moving out of LJ. I'm sorry LJ, it's not you it's me.

Any suggestions where I should move my blog to?
may 19 Pilipinong nais maghimagsik!

[11 Oct 2009|04:25am]
[ mood | sleepy ]

Lately dahil nagkakaron ng crisis sa bansa natin napapadalas ang pag punta ko sa Inquirer website. I find na when it comes to local news, eto na ata yung pinakamaaasahang website. As has been the case the last couple of weeks, kapag pumunta ka sa website nila puro balita tungkol kay Ondoy at Pepeng ang mababasa mo. Some of the captions and headlines na nakita were,

WATER, WATER EVERYWHERE.
Dike in Pangasinan collapses, leaves 21 villages under water
Death toll from floods, slides now 224 and climbing

Depressing diba? Pero pag nag scroll down ka pa mababasa mo tong headline na to at ewan ko sayo pero napakamot ako ng ulo.


DoT positions RP as kayaking destination

Eto ang intro niyang news item na yan,

MANILA, Philippines – When nature gives you too much water, it’s time to launch the country as a kayaking adventureland.

How fitting. Naiimagine ko na ang mga posibleng tagline e.

Kayaking ba? Marikina ka na!




This entry is dedicated to Alvin Tang and Sherniel Bamba. Ayan na ah. Tantanan niyo na ko.

maghimagsik!

[09 Oct 2009|12:21am]
[ mood | tired ]

Kanina nanuod kami ng sine ni Josh, my 6 year old brother, sa SM Marikina. Brownout nanaman kase sa lugar namin. (Bakit ba parang ang malas ng Marikina/Antipolo area lately?) Dahil walang mapanuod at kasama ko si Josh, nanuod na lang kami ng G-Force, isang pelikula tungkol sa apat na secret agent guinea pigs na marunong mag karate. (Tangina dapat bigyan ng Pulitzer ang nag sulat nun) But it was either that o The Flood, isang pelikula tungkol sa baha. (Hindi ko alam kung sinong kamote ang nag-isip na magandang ipalabas ang The Flood sa SM Marikina pero magaling siyang mang-asar)

Alam mong hindi ka dapat mag expect sa pelikulang papanuorin mo kung tungkol ito sa Guinea Pigs na nagsasalita. Hindi rin magandang senyales kung pag pasok mo sa sinehan, vacant yung karamihan ng upuan sa bandang gitna pero sa mga kaitaas-taasan o KKK (Kaitaastaasan, Kasuluksulukan, Kantu***) e puno ng activity. Dahil nakagenerators lang rin yung mall, wala ring aircon sa loob ng sine. Kaya medyo amoy kulob. Sabi ko kay Josh,

"Di mo ba naaamoy yun? Ang baho ah..."

Sabi niya sakin,

"... umutot ka nanaman ata e."



Mapanghusga ka, kapatid. Kapatid nga kitang talaga.

may 2 Pilipinong nais maghimagsik!

[01 Oct 2009|06:15pm]
[ mood | tired ]

Nung isang araw pagkatapos mag volunteer sa Ateneo, naghihirap akong maghanap ng taxi sa Katipunan para makauwi. Dun ko narealize na ang taxi ay parang babae. Pag hindi ka naghahanap, ang dami mong nakikita. Pero pag naghahanap ka, wala ka nang makita. Lahat taken.

may 4 Pilipinong nais maghimagsik!

navigation
[ viewing | most recent entries ]
[ go | earlier ]